Your smile is our smile
May mga bagay na hindi natin inaasahan sa buhay
Minsan magigising ka na masaya
Minsan malungkot ka
Minsan magigising ka na lumuluha.
May mga bagay na nawawala na lang ng biglaan
Tao man 'yan o bagay
dahil walang kasiguraduhan dito sa mundo.
Sabi nga nila kapag may umaalis,
may bagong darating.
Pero masakit kapag may biglaang umalis, 'diba?
ibinigay mo lahat ng atensyon mo,pinahalagahan at
natutunan mo nang mahalin siya pero iiwan ka rin pala niya.
Magigising ka na lang na isang araw,
Hindi mo na masisilayan bawat ngiti niya tuwing umaga
Hindi mo na maririnig mga halakhak at tawa niya
Hindi mo na mahahawakan mga kamay niya at hindi mo na siya mahahagkan pa,
Kasi iniwan ka na niya.
Iniwan ka niyang mag-isa
Iniwan ka niyang may mga luha sa iyong mga mata.
Alam mo ba?
Noong nawala ka lahat kami nagdusa
Lahat kami nakaranas ng sakit
Lahat kami nagulatantang kasi kabata mo pa
Kabata mong nilisan ang mundo
kabata mong nawala at hindi hindi nakita ang totoong mundo
Kabata mong kinuha ng Diyos.
Walong buwan ka pa lang noon pero alam namin na masaya ka na diyan dahil kasama mo na ang Pinakadakila sa lahat. Alam namin na isa ka nang anghel at binabantayan mo kami palagi.
Pero sabi nga "Kapag may umalis, may bagong darating"
Nawala ka dumating siya
Halos may pagkakahawig kayo
mula sa shape ng mukha niyo hanggang sa boses niyo
Biglang nabuhay muli ang mga ngiti sa mga labi namin noong masilayan ka mas lalo kaming naging matatag dahil sa'yo.
Isang ngiti mo lang pawi lahat ng pagod
Isang ngiti mo lang pawi lahat ng hirap
Tunay nga na nagbibigay buhay sa bahay ang mga bata.



Our smiles can be contagious.
ReplyDeleteBabies are angels๐ and they can make your heart happy๐
ReplyDeleteAw. ๐ข
ReplyDeleteMay dahilan ang lahat ๐ข
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteDon't worry, She's with papa G now ๐ผ๐ป
ReplyDeleteCondolences ๐๐
ReplyDeletecheer up jenny joy
ReplyDelete